Dahil Sa Kanila

I actually wrote this poem when I was in third year high school. I kept this in a clearbook in my room’s cabinet and forgot it. Years passed, while cleaning my room, I read this poem again and made me realize that I owe everything that I have right now to parents who have given everything in order to provide me with a better life. Even though my parents haven’t read this yet, I would like to dedicate this poem to them and to all the parents who selflessly and eternally loves their children

Isinilang ako sa mundong may bahaghari

Walang saplot at hubot hubad ang sarili

Pero sila ang nagbigay ng kulay

Sa aking mundong noong una’y walang kabuhay-buhay

 

Siya’y isang mabait na babae

Isang mandirigmang matapang at walang arte

Binigyan niya ako ng buhay sa kanilang sinapupunan

Pagmamahal niya’y di matutumbasan

 

Ang padre de pamilyang marangal

Hinubog ako ng magagandang asal

Dugo’t pawis ang puhunan upang ako’y mabuhay

Kahit minsan, ang kapalit ay ang kanyang buhay

 

Minsa’y ningitngit ako dahil sa aking kapintasan

Sakit na mula sa kanilang bibig at kamay ay aking naramdaman

Poot at galit sa loob ko’y di mawawala

Sa hapdi, dinamdam ko ang sakit na binigay nila

 

Pagkaraan noon ay natutunan ko kung bakit

Disiplina’t moral ay kailangan iukit

Animo’y bukas ay may maibabahagi

Sa susunod na henerasyon ay ipamungkahi

 

Ako ay nandito ngayon

Buhay ko’y utang sa kanilang relasyon

Naghirap at nag-abala dahil sa akin

Upang ako’y di maging mang-mang at sakitin

 

Pagmamahal at disiplina nila’y di maihahalintulad

Perwisyo at puyat na aking dinala’y di mababayad

Nilalangit nila’y walang hanngan

Kahit anong mangyari, nandiyan lang sila kahit saan

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s