Palayok

A Free Verse Spoken Poetry, in the form of Spoken Praise, I delivered during the 2016 Provincial Youth Fest of Youth For Christ – Gawad Kalinga, Misamis Oriental.

Ginawa ng Diyos ang lupa at mula sa lupa ay ang putik na kanyang kinuha
Mula sa putik na ito, diyan din niya ako ginawa
Hinulma niya ako sa kanyang sariling imahe at hitsura
At dito ko nakita na ang ganda pala nang kanyang mga ginawa
Makapagsasabi ako sa kanya na, “Panginoong Diyos, ikaw na talaga!”

Hinugis niya ako upang maging isang magandang palayok na buo
Pero nakita niya na kailangan pa niyang alisin ang mga parteng hindi kailangan
Dahil dito, naranasan ko kung paano mabuhay sa tunay na mundo
Na akala mo’y isang langit pero iyon pala ay may pagkakataong ihahagis ka sa nagbabagang impyerno

Nakilala ko ang iba’t ibang klaseng tao
May mga mababait pero may iba na hindi makatao magtrato
Ang sakit ng pakiramdam na hindi ka tinatanggap kung ano at sino ka
Kinikutya ka sa iyong pagkakaiba
Naisip ko tuloy kung bakit Niya ako ginawa nang ganito
Katangiang hindi kagaya ng iba
Kahit sarili ko, hindi ko tanggap kung sino ako

At dahil dito, nagnanais ako ng pakiramdam na pagtatanggap sa iba
Naghanap ng makapupuno sa mga kulang na parte sa aking sarili
At dito, may nakilala akong isang nagmahal sa akin
Nagnanais na maramdaman ko kung paano ako tanggapin sa kung sino ako sa puso at sa damdamin
Nagtiwala ako sa kanyang mga matatamis na salita
Dumating ang panahon, ang pagmamahal pala niya ay hindi sapat at hindi pala totoo
Isang karumaldumal na katotohanan

Binugbog ang damdamin ng todo
Lumagpak sa mga pasulit, nakasusuklam ang tingin sa sarili
Pinukpok ng martilyo, hiniwa ng lagari, at kiniskisan ng kutsilyo
Isa na akong palayok na tinapon dahil wala na akong silbi
Isa na akong wasak-wasak at hindi na maaaring mabuo
At lumayas ako sa maingay at madilim na mundo
Umiyak, humagulgol, sa pag-aakalang wala nang wakas ang aking pinagdadaanan
Sumigaw ako sa kanya hanggang sa mawala ang boses ko, “Dyos ko! Dyos ko! Bakit mo ako pinabayaan!”
Dito ko nakita ang maaliwalas na liwanag na hindi ko alam kung saan nanggaling

Nasabi ko sa aking sarili na nakalimutan ko ang tunay na pagmamahal ng aking pamilya
At kinuha ng Panginoong Diyos ang mga wasak na parte at binuo niya muli ako
Nasilayan ko na nakilala at natagpuan ko ang Diyos sa pinakamababang parte ng aking buhay
Walang gamot ang makakabuti sa ating mga sugat dahil siya lang ang makapagpapagaling sa ating mga malublubhang karamdaman
At dahil dito, gusto niyang patuloy tayong magtiwala sa kanya
Dahil ang ating pagtitiwala sa kanya ay parang hangin
Hindi mo makikita pero alam mong nandiyan lang Siya
Dahil alam mo na minamahal ka niya
At sa kanyang pagmamahal ay ang dahilan kung bakit niya tayo ginawa

Sa lahat ng ito, nalagpasan ko ang lahat ng mga iyon
Sino pa ba ang mag-aakalang ako ay nandito pa ngayon
Yun pala, may plano ang Diyos sa mga pagkakataong nadaanan ko
Sa aking pagkawasak-wasak ay may ginawa siyang kagandahan
Kung ano ako ngayon ay nang dahil sa Diyos
Ang lahat ng nasa akin ngayon ay nanggaling sa Diyos
At ang lahat ng nasa atin ngayon ay ginawa ng Diyos
Gusto niyang ibahagi ang ating sarili sa iba at sa mundo
At makita sa iba na isa ako sa kanyang magandang ginawa
Hanggang sa ako’y mabuong isang matingkad na palayok
Dahil dito, Panginoon, ikaw nga ang pinakamadakila sa lahat dito sa mundo
Darating ang araw, mawala na ang mundo, pero inukit mo kaming lahat, forever, sa iyong puso

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s